Noong araw, may isang paru-paro, isa syang kakaibang paru-paro. Lagi siyang nagpapalit ng bulaklak. Well, natural un sa isang paru-paro di ba? Pero itong butterfly na to, kakaiba sya. Ganito kasi un..
Bago pa man nya nakilala ang bulaklak na nkapagpabago sa kanya, talagang kaayawan mo sya dahil sa sobrang gala nya. Lagi syang dumadapo sa ibang bulaklak at lagi nya itong iniiwan para humanap ng iba. Lagi syang nagpapaasa ng mga bulaklak na babalik sya dito upang doon magstay. Ngunit noong mapadpad sya sa isang bulaklak, kailanman ndi na ito umalis sa kanya. Masasabi nating umaalis siya dito pero lagi naman siyang bumabalik para doon manirahan.
Nagkaroon sila ng magandang samahan, akala nung butterfly magiging habambuhay na sila, ngunit, dumating ang maraming problema at di naglaon ay lumau sila sa isa’t isa. Naging malungkot ang bulaklak at sobrang nasaktan dahil nga napakalalim na ng kanilang napagsamahan. Ang paru-paro naman ay walang ginawa kundi isipin ang sarili niya kaya humanap ulit siya ng ibang bulaklak.
Naging masaya ang butterfly panandalian, habang malungkot at ndi matanggap ng bulaklak na wala na ang paru-paro sa kanya. Ngunit, hindi nagtagal, narealize ni butterfly kung ganu kahalaga sa kanya ang kanyang bulaklak. Pinipilit niyang takasan ang mga taling pumipigil sa kanya na siya rin naman ang may gawa, sabhin na nating nakatakas siya, pero di pa rin niya maiwasang makasakit, lalo pa’t lagi niya lamang iniisip ang kanyang sarili at pansarili at pansamantalang kasiyahan.
Nang tuluyan nang makatakas, bumalik siya agad sa bulaklak. Meron pa rin siyang hinanakit sa paru-paro pero alam niya sa kanyang sarili na mahalaga din si butterfly sa kanya, pero kahit pa gnun, hinayaan niya lang ito na umaligid sa kanya paminsan-minsan. Minsan naman, itinutulak niya rin ito palayo.
Sa kasalukuyan, gustong gusto na ng paru-paro na bumalik sa piling ng kanyang bulaklak. Hinihiling nya na sana’y umaus na ang lahat. Sana rin. Hindi na siya magkamali at makasakit ng tao. Mahal na mahal niya ung bulaklak. At narealize nya kung ganu ito kaimportante at hindi na nya hahayaang mawala ito sa kanya. SANA.
—grabeh.
nakakainis.
mhal pren nya ang bulaklak n un!
hehe. ok long. wala acong karapatan!